Ang pagbabago ay hindi hawak ng iisang tao. January 29,2014 |
Miyerkules, Enero 29, 2014
Miyerkules, Enero 22, 2014
OFW: Biktima
http://www.philstar.com/headlines/2013/06/25/957885/sex-abuse-story-confirmed-dfa |
Nakakalungkot
ang nangyaring pananamantala ng mga Labor Officers sa mga Pinay sa Kuwait noong
nangangailangan sila ng tulong, sa halip na tulungan ang mga agrabyadong OFW na
ito ay sinamantala ang kanilang pangangailangan at ginamit sila sa sex
trafficking. At ang mas nakakalungkot pa dito, ang mga sangkot ay ang mismong
Labor Officers ng DFA sa Kuwait. Ngayon ay napauwi na raw ang mga Labor
Officers na ito na sangkot sa sex trafficking at ang iba pa sa kanila ay
retired na. Hinihintay na lamang ang kasong ipapataw sa kanila.
Sana ay
mabigyan ng kaagarang solusyon ang bagay na ito dahil iniisip ko na baka matabunan
na ito ng iba pang mga isyu na dapat lutasin sa bansang ito at baka makalimutan
ito. Ang mga sangkot dito ay mga taong inaasahan ng mga mamayang nagtratrabaho
sa ibang bansa sa oras ng pangangailangan at sila rin ang isa sa may mga
kapangyarihan sa gobyerno.
Hindi
maipagkakailang mabagal ang proseso ng hustisya dito sa Pilipinas, noon pa man,
mabagal na talaga. Pero kahit mabagal, sana ay nabibigyang solusyon ang mga
kasong kagaya nito. Hindi natatabunan at tuluyang nakakalimutan. Kung ang mgg
suspek na sibilyan ay nabibigyang hatol kahit sa mabagal na proseso, sana ay
ganoon din sa mga suspek na kagaya nila.
Marahil
ngayon ay nawala na ang tiwala ng ibang OFW sa mga Labor Officers dahil sa nangyari
pero ito rin ang panahon upang patunayan ng Department of Justice na walang
kinikilingan ang hustisya natin dito. Bilang isang estudyante, ako ay nawawalan
ng tiwala sa mga Public Servant sa gobyerno, hindi ko nilalahat ngunit kung
titignan natin, sangay din ng gobyerno ang magbibigay solusyon sa isyung ito
kaya nakakatakot kung hindi natin malalaman ang katotohanan kasi maaring maulit
na naman ang ganitong pangyayari.
Siguro kung
may magagawa kaming kabataan (at alam ko na meron) ay laging maki-alam sa mga pangyayari
at maging bukas ang mata para hindi makalimutan ng mga “matatanda” ang mga
isyung ito.
Sources:
Photo (http://www.philstar.com/headlines/2013/06/25/957885/sex-abuse-story-confirmed-dfa)
Martes, Enero 7, 2014
Video Blog January 2014
Hi! I trimmed some parts from the game in order to compress this video into 5minutes because we have rules to follow for this requirement BUT I played longer which makes me not to win this challenge. I hope that I could create more vlogs and play again without time limits. Salamat sa assignment na ito :)) May gusto ka bang ipalaro sa'kin? :))
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)