expr:class='"loading" + data:blog.mobileClass'>

Miyerkules, Enero 22, 2014

OFW: Biktima



http://www.philstar.com/headlines/2013/06/25/957885/sex-abuse-story-confirmed-dfa
Nakakalungkot ang nangyaring pananamantala ng mga Labor Officers sa mga Pinay sa Kuwait noong nangangailangan sila ng tulong, sa halip na tulungan ang mga agrabyadong OFW na ito ay sinamantala ang kanilang pangangailangan at ginamit sila sa sex trafficking. At ang mas nakakalungkot pa dito, ang mga sangkot ay ang mismong Labor Officers ng DFA sa Kuwait. Ngayon ay napauwi na raw ang mga Labor Officers na ito na sangkot sa sex trafficking at ang iba pa sa kanila ay retired na. Hinihintay na lamang ang kasong ipapataw sa kanila.

Sana ay mabigyan ng kaagarang solusyon ang bagay na ito dahil iniisip ko na baka matabunan na ito ng iba pang mga isyu na dapat lutasin sa bansang ito at baka makalimutan ito. Ang mga sangkot dito ay mga taong inaasahan ng mga mamayang nagtratrabaho sa ibang bansa sa oras ng pangangailangan at sila rin ang isa sa may mga kapangyarihan sa gobyerno. 

Hindi maipagkakailang mabagal ang proseso ng hustisya dito sa Pilipinas, noon pa man, mabagal na talaga. Pero kahit mabagal, sana ay nabibigyang solusyon ang mga kasong kagaya nito. Hindi natatabunan at tuluyang nakakalimutan. Kung ang mgg suspek na sibilyan ay nabibigyang hatol kahit sa mabagal na proseso, sana ay ganoon din sa mga suspek na kagaya nila.
Marahil ngayon ay nawala na ang tiwala ng ibang OFW sa mga Labor Officers dahil sa nangyari pero ito rin ang panahon upang patunayan ng Department of Justice na walang kinikilingan ang hustisya natin dito. Bilang isang estudyante, ako ay nawawalan ng tiwala sa mga Public Servant sa gobyerno, hindi ko nilalahat ngunit kung titignan natin, sangay din ng gobyerno ang magbibigay solusyon sa isyung ito kaya nakakatakot kung hindi natin malalaman ang katotohanan kasi maaring maulit na naman ang ganitong pangyayari.
Siguro kung may magagawa kaming kabataan (at alam ko na meron) ay laging maki-alam sa mga pangyayari at maging bukas ang mata para hindi makalimutan ng mga “matatanda” ang mga isyung ito.


Sources:
Photo (http://www.philstar.com/headlines/2013/06/25/957885/sex-abuse-story-confirmed-dfa)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento