AGAW-DILIM
Ni: Jose Corazon De Jesus (HUSENG BATUTE)
Namatay ang araw
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa’y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
sa dakong kanluran,
nang kinabukasa’y
pamuling sumilang,
ngunit ikaw, irog, bakit nang pumanaw
ay bukod-tangi kang di ko na namasdan?
Naluoy sa hardin
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?
ang liryo at hasmin,
Mayo nang dumating
pamuling nagsupling,
ngunit ikaw, sinta, bakit kaya giliw
dalawang Mayo nang nagtago sa akin?
Lumipad ang ibon
sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,
ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y
di pa nagbabalik at di ko matunton?
sa pugad sa kahoy,
dumating ang hapon
at muling naroon,
ngunit ikaw, buhay, ano’t hangga ngayo’y
di pa nagbabalik at di ko matunton?
Ang tulang ito ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus o mas kilala
rin sa tawag na Huseng Batute. Upang suriin ang tulang ito, gagamitin ko ang
teoryang Social-Exchange Theory.
Sinasabi ng teoryang Social-Exchange,
ang pagkakaroon ng pakikipag ugnayan
natin ay resulta ng isang proseso ng pagpapalitan. Ang dahilan ng pagpapalitan
na ito ay upang palawakin ang mga benepisyo at tipirin ang ibinibigay na
kapalit. Ayon din sa teoryang ito, mas binibigyang halaga ng tao ang mga
benepisyong matatanggap kaysa sa maaring ipamahagi. Kung ang pagkakataon ay hindi
pumabor sa tao at hindi niya nakuha ang kaniyang benepisyo, iiwanan niya ang
proseso ng pagpapalitan. (Thibault, J. W., & Kelley, H. H. 1952)
Ang buong tula ay mensahe ng isang
mangingibig sa kaniyang sinisinta. Hindi sinabi kung ang mangingibig na ito ay
babae o lalaki. Pero ayon sa teoryang Social-Exchange, makikita natin na ang
dating magsing0irog na ito ay nagkaroon ng proseso ng pagpapalitan. Sa unang
saknong makikita natin ang pagihintay ng mangingibig na ito sa kaniyang
sinisinta ngunit ang kaniyang sinisinta ay hindi na muling nagbalik. Ikinompara
niya mula sa una at ikalawang saknong ang
kaniyang sinisinta sa mga bagay o pangyayari na nawawala ngunit nagbabalik pa.
Ngunit ang hulang saknong ay tumutukoy sa kaniyang buhay na hindi na niya
matunton.
Sa pag gamit ng teoryang Social Exchange makikita natin na sa
relasyon ng dating mag-kasintahan na ito ay may umalis sa proseso ng
pagpapalitan o relasyon. Marahil ang kaniyang sinisinta ay hindi nakaramdam ng “benepisyo”
at hindi nito nakamit ang kaniyang gusting maramdaman kaya naman iniwan niya
ang kaniyang irog at hindi na muling nagbalik pa. Sa huling saknong na kaniyang
tinukoy, ang “buhay” ay maaring tumukoy parin sa kaniyang irog. Ang taong
minahal niya ng lubos at itinuring na niyang buhay ay hindi na muling nagbalik
matapos siyang iwanan.
SOURCES:
Agaw-Dilim By Jose Corazon De Jesus
(http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/tula-agaw-dilim-twilight.html)
Social Exchange Theory (http://www.uky.edu/~drlane/capstone/interpersonal/socexch.html)
kailan po isinulat?
TumugonBurahinAno ang mga imahe na ginamit sa tulang ito?
TumugonBurahin