expr:class='"loading" + data:blog.mobileClass'>

Huwebes, Disyembre 26, 2013

Kung ano ka ngayon, produkto iyan ng napagdesisyunan mo kahapon (The Law of Causality)

Pag nagigising ka tuwing umaga, ano’ng una mong ginagawa pagkatapos mo bumangon? Marahil ay kukunin mo ang iyong cellphone at titignan kung may nagpadala ba sa iyo ng mga mensahe, kung may load ka ay marahil tumugon ka na sa ibang mensaheng iyong natanggap. Pagkatapos ay marahil tatayo ka na at pupunta sa banyo upang mag-hilamos at mag-mumog, pagkatapos ay pupunta sa kusina upang kumain ng agahan, matapos kumain ay maliligo na ka at maghahanda sa pagpasok sa eskuwelahan. Pero naisip mo na ba na paano kaya kung mag-iba ka ng desisyon sa kung anong gagawin mo sa umaga? Paano kung pagkagising mo ay hindi mo na muna basahin ang mga mensahe at dumeretso ka sa banyo upang maligo. Kung ganoon, hindi mo na natugunan kaagad ang mga mensaheng natanggap mo sa umagang iyon. At isa pala sa mensaheng iyon ay kinakailangan ng agarang pagtugon? Mag-iiba kung sakali ang takbo ng magiging araw mo kung ganoon ang napili mong gawin.
Bawat kilos na ating gagawin sa araw-araw ay may kaukulang epekto sa hinaharap. Ang tawag dito ay Law of Causality.  

http://vowerpower.files.wordpress.com/2007/11/dominos.gif



Sinasabi na ang lahat ng kilos at gawa ay mula sa pag-iral o pamamalagi ng isang bagay. Maaring ang pamamalagi nito sa mundo ang sinasabing dahilan ng nasabing pagkilos. Ang pagkilos na naganap ay dumedepende sa katangian ng bagay na naging dahilan nito upang mangyari. (Rand, 1961)  
http://img.pandawhale.com/post-20002-Endless-domino-gif-infinite-in-ITBu.gif
Sa Law of Causality sinasabi na ang pag-iral o existence ng isang bagay ay hindi dahil sa walang kadahilanan. Kung baga, ikaw mismo na umiiral at namamalagi sa mundong ito ay may kadahilanan. Dahil ang bawat tao, bagay, elemento at porma ay may kaniya-kaniyang pagkakakilanlan, hindi maaring umiral ang mga ito nang walang pinagmulan dahil ang pagkakakilanlan na iyon ay nagsasabing may mga katangian ito na nakuha mula sa isa  pang bagay kaya naman may dahilan kung bakit nabubuhay at namamalagi ang isang tao, bagay, hayop, elemento at porma sa mundong ito.

Upang mas lalo pa nating maunawaan ang teoryang ito ay magbibigay ako ng mga palabas na maaring magbigay linaw sa atin kung ano nga ba ang Law of Causality

Una, ang palabas na Next (2007)
na pinagbidahan ng sikat na Holliwood actor na si Nicholas Cage bilang si Cris Johnson kung saan ay nasisilip niya ang hinaharap dalawang minuto bago ito mangyari. Dahil dito maari niyang ibahin ang takbo ng kaniyang ikikilos at magbabago nga ang nakatakdang mangyari. Maari siyang sumunod sa kung ano ang kaniyang nakita, maari rin naming hindi. At sa pagkakataong naisipan niyang tumaliwas sa kaniyang nakita, bawat detalye ng mga susunod na pangyayari ay mag iiba.


Pangalawa, ang palabas na The Butterfly Effect (2004) na binagbidahan ni Ashton Kutcher bilang Evan Treborn kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong bumalik sa nakaraan at baguhin ang mga nais niyang baguhin, pero dahil nga sa sinasabi ng Law of causality, nagbago ang kabuuan ng mga pangyayari sa buhay niya depende sa kung ano ang pipiliin niyang gawin. Ang bawat kilos na kaniyang ginagawa ay nakakapagpabago hindi lang ng mga pangyayari sa buhay niya kung hindi pati na rin sa mga taong nakadadaupang-palad niya sa nakaraan. Sa tuwing susubukan niya na itama ang mga pagkakamali niya sa nakaraan ay may napapahamak at may nangyayaring hindi maganda sa ibang tao.


Dahil dito, nabigyan ko ng konklusyon na hindi natin maaring balikan kung ano ang nangyari na kung ano man ang nangyari sa nakaraan ay marapat na lamang nating tanggapin dahil ito ay nangyari na’t hindi na maari pang balikan. Dahil kung babalikan natin ito at babaguhin, maari nating masira ang pagiging balanse ng mga pangyayari. Ang maari na lamang nating gawin ay tanggapin kung ano man ang nangyari na at subukang maging mas mabuti at kapaki-pakinabang na tao sa hinaharap. Kung ako ang tatanungin ay masasabi kong matibay ang pundasyon ng teoryang ito at naniniwala ako rito. Tama ang kung ano mang bagay na ating gagawin ngayon ay maaring magbigay ng malaking epekto sa hinaharap. Naaalala ko sa isang sermon na aking narinig sa simbahan,
“Kung ano ka man ngayon ay produkto ito ng mga napagdesisyunan mo kahapon” kung hindi ka man nagsisimba ay maari mo parin itong paniwalaan o hindi, nasa sa iyo iyon. Ang nais ko lamang sabihin ay kung nasa konsepto mo man ang pagiging malaya, pag-isipan pa rin nang mabuti ang bawat salita at kilos na iyong gagawin sapagkat maari itong magbigay ng mabuti o masamang epekto sa hinaharap.

Ano ang nasa isip mo ngayon? Maari mo bang ibahagi sa comment box ang iyong mga ideya?



SOURCES:
Rand, Ayn (1964) For The New Intellectual
Retrieved December 17, 2013 from http://aynrandlexicon.com/lexicon/causality.html
Rand, Ayn (1982) Philosophy—who needs it
Retrieved December 17, 2013 from http://aynrandlexicon.com/lexicon/causality.html
Animation stick figures (photograph)
Retrieved December 27, 2013 from http://vowerpower.wordpress.com/bribble-backrounds/
Domino Effect (Photograph)
Next (2007) movie poster
The Butterfly Effect (2004) movie poster designed by Art Machine, A Trailer Company (photograph)
Retrieved December 27, 2013 from http://www.impawards.com/2004/butterfly_effect.html



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento