expr:class='"loading" + data:blog.mobileClass'>

Martes, Disyembre 17, 2013

Kung may babalikan ka sa nakaraan ano iyon at bakit? (The Law of Causality)

The Law of Causality
 Isa sa mga dahilan bakit ito ang napili kong teorya upang bigyang komento at icritic ay dahil isa ito sa mga tingin kong malaki ang nagging epekto sa akin at maari ding sa iyo na nakakabasa nito. Ang teoryang ito ang nagbibigay dahilan upang malaman natin na kung ano ang nangyayari ngayon ay hindi na maaring mabago pa. J Ayokong maging biased dahil naniniwala ako sa teorya na ito kaya naman ineeencourage ko kayo na magtanong at magbigay comment patungkol sa Theory na ito.




Ano nga ba ang Law of Causality?
Sabi sa For the new Intellectual ni Ayn Rand, ang definition ng causality ay law of identity applied to action, na ang lahat ng action ay mula sa isang existence ng isang bagay. Maaring ang existence nito ang naging dahilan ng sinasabing action. Ang action na naganap ay dumedepende sa nature ng bagay na nagtrigger dito. At sa isa pa niyang libro na pinamagatang Philisophy—who needs it, sinabi niya dito na lahat ng bagay na nag-eexist sa mundo, bawat forms, motions at combination ng universe---mula sa isang alikabok patungo sa pagbuo ng buong galaxy hanggang sa pagkabuo ng buhay ay dahilan ng existence ng bawat elements na involved dito. Ano pa mang element iyon. Kung ano ang nagging bunga, may mga parte nito ay galling sa puno. J
Sa law of causality, sinasabi na ang existence ng isang bagay ay hindi dahil sa walang kadahilanan. Kung baga, ikaw mismo na nag-eexist sa mundong ito ay may dahilan bakit ka nag eexist. Dahil ang bawat bagay, hayop, element at tao ay may identity, hindi maaring nag exist lamang sila ng walang pinagmulan dahil ang identity na iyon mismo ang nagsasabing may pinanggalingan at may dahilan ang existence mo.

Gagamitin ko ang quotation na Destiny is a matter of choice not chance upang mas lalo pa nating maunawaan kung ano ba talaga ang causality. Every move we make creates a bigger impact on something in the future. Kung nasaan ka man ngayon ay produkto ng kung anong napagdesiyunan mo kahapon, maaring napilitan ka man sa pagpili ng desisyon na iyon, iyon ang nagging dahilan kung nasaan ka ngayon. Halimbawa, ang destiny ko ay talagang maging isang writer. Ngunit mas pinili kong pag aralan ang pagkanta at pagsayaw, kaya naman maaepktuhan at mababago lahat ng “nakatakda” sa hinaharap ko, maaring magbago kung sino ang mga taong makikilala ko, at dahil don, ang balance ng nature ay naiiba. Kasi naiba ang maliit na detalye, susunod na ang lahat.

Isa pa sa magandang halimbawa ay ang mga sumusunod na palabas. Marahil ay mas mauunawaan pa natin kung susuriin natin ang mga palabas na ito; Una, ang movie ni Nicholas Cage na Next kung saan ay nasisilip niya ang hinaharap dalawang minute bago ito mangyari. At dahil nakikita mo ang hinaharap, maari nang magbago iyon. Kasi nga nasilip mo na kung anong mangyayari kaya pwede mong baguhin ito o sumunod sa kung ano ang nakita mo. At by the moment na mapagdesisyunan mo na tumaliwas, bawat detalye ng susunod na mangyayari ay magbabago kasi ikaw na ang gumagawa ng future mo.
Pangalawa, ang movie ni Ashton Kutcher na The Butterfly Effect kung saan nagkaroon ang character na si Evan Treborn na bumalik sa kaniyang nakaraan at baguhin ang mga nais niyang baguhin. Pero dahil nga sa law of causality, nagbabago timeline ng kaniyang buhay depende sa kung ano ang pipiliin niyang choice.  Ang bawat action na gagawin niya ay nakakapag pabago sa timeline hindi lang ng buhay niya kundi ng mga buhay ng taong nakakausap niya sa nakaraan.


Kaya dahil dito, nabigyan ko ng conclusion na hindi na natin maaring balikan kung anong nangyari na. Dahil kung babalikan natin ito, maari natin masira ang balance of nature, tiyak naman na may kadahilanan kung bakit nangyari ang mga bagay.
Isa rin na nakakapag patibay ng Faith ko ang law of causality J Hindi ko alam kung dapa ko pa itong iexplain dahil magiging biased ako masyado pero the is an absolute cause ng mga bagay bagay
Para sa akin ay tama at matibay ang foundation ng theory na ito. Tama rin para sakin na kung ano ang maliit na gagawin mo ngayon ay maaring magbigay ng malaking epekto sa future.
Kaya naman, nasa konsepto mo man ang pagiging Malaya, pag isipang mabuti ang bawat galaw, salita na iyong bibitawan, ika nga ng isa sa mga paborito kong tao sa mundo na ayaw magpakilala, “Think for the long term effect of your actions! (With matching convictions pa!) .



Ano ang nasa isip mo ngayon? Please comment below :) (Merry Christmas!)

16 (na) komento:

  1. Nakakatakot magkamali. Pero normal lang. Pano kaya kung lahat ng bagay na napagdesisyunan natin ngayon, eh isang malaking kamalian para sa hinaharap? Cool siguro nun. Isang malaking challenge.

    *proper translation of words bal :)

    Ganda nung theory :) Kuya Ozi? HAHA

    TumugonBurahin
  2. Malalim ba yung pagkakagamit ko ng Filipino? Hindi ba conversational?

    TumugonBurahin
  3. True~ I love your article/blog.
    Pero naniniwala din kasi ako sa happy accident/destiny, meron kasing nangyayari na hindi natin inaasahan na yun na magpapatakbo ng future natin. Also naniniwala din ako na for every actions natin equivalent into future. Dalawa yung perspective and belief ko. hahaha
    Ang ibig sabihin siguro ni donna may mga typo and hindi consistent tagalog.

    TumugonBurahin
  4. Tamang citation. Pakisalin din ng mga salitang Ingles na maaari namang isalin sa Filipino.

    TumugonBurahin
  5. Isalin ang ibang salitang ingles sa tagalog.Medyo mahaba din. Tapos Citation :D.

    TumugonBurahin
  6. Ang ganda ng theory mo. Proper citation lang siguro at tsaka try mong wag paghaluin masyado ang english words sa tagalog words sa isang sentence. Kapag english, english lang; tagalog, tagalog lang dapat ang pag-ispell mo. :)

    TumugonBurahin
  7. Hi Kasha! :)

    *Proper spacing ng mga paragraphs
    *Proper citations

    Ok sa 'kin yung taglish. :D Kaso pag english, english kapag tagalog, tagalog dapat. Yun ang sabi e. Sunod na lang tayo. Hahahahaha

    I like the theory. :)

    TumugonBurahin
  8. Citations po. :) tsaka wag bilingual :)

    TumugonBurahin
  9. Mahirap magkomento sa isang bagay na hindi mo naman alam ang dahilan kung bakit nag-exist. Ang ibig kong sabihin, hindi ko alam kung para saan ito o para kanino, pero sa nakita ko, maayos mo namang nailahad ang teorya. At kaya pala "Causality." :)

    Sa theory, totoong hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan, at kung gusto mo man, baka magulat ka na lang at hindi ka na ganyan kaganda o kagwapo kung may binago ka sa nakalipas. Ikaw rin. :)

    May ilan lang akong puna a kung paano mo sinulat ang topic na ito:

    Una, ay ang mga typo, hindi kita masisisi, sino ba naman ang hindi nata-typo? Ikalawa, tulad ng mga puna sa itaas, ang citations, importante yan, alalahanin nating nariyan at nagbabantay si Pareng Plagiarism. Ikatlo, okay lang na mag-papalit-palit ng words, English-Tagalog-Tagalog-English, as long as naiintindihan naman ng mambabasa. Ang importante'y naipahayag mo ang gusto mong sabihin.

    Kudos Kzee! :)

    PS. Wag kang sumunod sa rules, hayaan mong ang rules ang sumunod sayo.

    TumugonBurahin
  10. Makiki-comment ako....
    Mas may emosyon ata kapag may picture nung movie.. yung kahit poster lang... :)

    Masarap pag-usapan yung mga gantong topic, kapag may masabi ang isa na komento sa isuue, o-oo ang lahat, kase lahat makakarelate. :)

    :D Galin mo kzee! Gusto ko din yung backgroun music! nakakadala. Lol.

    TumugonBurahin
  11. 1
    Pakiayos naman 'yung spelling ng ibang salita. Halatang
    hindi nagproofread.

    2
    Biased
    Encourgae
    Theory
    Action
    Trigger
    Existence
    Elements
    Galaxy
    Bakit bilingual ito?

    3
    Matuto tayong paano hatiin ang mga talata ng maayos
    para hindi masakit sa ulo.

    4
    Pakiayos rin ang train of thought. Ang daming gustong sabihin
    mula sa mga pelikula hanggang sa sariling karanasan - choose
    one and this will do.

    5
    Good job. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thank you po Ma'am, sorry po hindi ko na po naproofread ang blog na ito. Aayusin ko nalang po yung susunod. Nag eenjoy po akong gawin ito. Salamat Ma'am.

      Burahin
  12. References? Tapos mali mali citations, yung iba wala. Paki ayos :)

    TumugonBurahin