expr:class='"loading" + data:blog.mobileClass'>

Sabado, Disyembre 7, 2013

Naka eight hours na tulog ba ako?

1pm. na di ko alam bakit kailangang eight hours pero sa tingin ko para clear ang mind? Yung monologue namin di pa tapos, ay magcomedy nalang kaya ako? LObat na ko itetext ko pa si ate wos mag eemcee daw ako sa kasala. Nahihiya ako kasi ndi pa ako nakakapag emcee ng kasal gusto ko kumanta pero hindi mag emcee. Hahaha Choosy pa! Wild mind ba tong ginagawa ko? Exercise din ata to sa script writing na dapat never madstop ang daliri tapos bawal mag bura? Ang bagal ko magtype. Ang sakit ng likod ko :( mali ata posisyon ko sa pag tulog. Ayan huminto yung daliri ko. Cheating. Alam ko na, pipindutin ko na lang yung capslock everytime na wala akong maisip. Okay ba yon? Naalala ko tuloy yung monologue at performance namin sa pasinaya. Sana makapasa kami ng entry sa Pasinay. Hahaha food and performace? Last year chinese-filipino. Ang pangit ng theme last year. Hala ang sama ko racist na ba ako? Tumutugtog pa yung gentleman ni psy sa TV wahaha.Wala ng pumapasok sa isip ko.. Capslockapslockcapslock......... Alam mo minsan feeling ko nagiging biktima ako ng pagiging feminine mystique. Nung malaman ko yung theory na yun sa gender relations, yun daw yung halimbawa, 2years nang nanliligawyung lalaki sa isang babae pero di pa rin sinasagot, wag mo na daw asahan na sasagutin niya yun kasi di naman niya mahal yung babae kundi, nagugutsuhan niya ang feeling ng nililigawan, yung ginagawa ng lalaki. Nung malaman ko yung theory na yun, syempre naisip ko na never naman akong naging ganun kasi wala namang nagtangkang manligaw sakin hahahahahaha!! Meron nung high school pero inaway ko immature pa kasi ako nun eh so di ako mapapabilang sa Feminine mystique. Pero habang tumatagal yung panahon may feeling ako na nabiktinma din ako once ng pagiging ganun. Nature na ba ng babae yun? Ang maplease kapag may ginawang mabuti or may ginawa lang yung lalaki sayo? Ay nagfifilter na ko ng sasabihin. Nahihiya kasi ako mag open. Basta ang siste eh naging biktima din ako niyang feminine mystique na yan. Pero nagdaan na bago ko pa marealize na nagawa ko. Gulo ko ba? Haha basta pag naintindihan mo yung siste ng feminine mystique magkakaintindihan din tayo. Tanghalian na pano ba yan ang sarap ng ulam namin. Pero akong maghuhugas ng pinggan. Sunday pala ngayon ano? Si mama napagalitan ako kasi ndi ako nakapagsimba. Mamayang hapon na lang siguro. Magpapasko na! Ano pa bang mas sasaya? Ang saya saya ko talaga pag pasko. Hindi ko alam pero feel ko nararamdaman mo din anman yung ganung saya. Capslockcapslockcapslockcapslock... Ay napanood ko na pala yung Teatro Porvenir ni Tim Dcanay! Alumnus kasi namin yung gumaganap na Emilio Jacinto dun. May teatro porvenir din kaming ginawa sa Polyrep pero andami kong natutunan dun sa Dulaang UP Teatro porvenir. Shet nakakainis tal;aga yung kasaysayan natin. Everytime na nakakapanood ako ng tungkol sa katipunan, nag aalab sa sarili ko yung dapat never nating ginagawang mag corruot or yung manlamang sa hindi lang sa isang bansa kundi sa individual na tao. Gaya ng sitwasyon namin sa Polyrep at sa University budget............. bawal yun ikwento pero naisip ko lang, pakiramdam ko aktibista na ako kahit di naman ako memeber ng kahit anong partido. Isang araw maakagawa din kami ng Protest Art na makakapagpatunay na dapat pa kaming mabuhay. Buhay pa nga kami tinatanggalan niyo na kamin g dextrose? Binigyan niyo ata ako ng life's purpose of existence eh! Pwes effective kayo! Leche. Sumasama ang loob ko pero hindi dapat. ito din siguro ang dahilan bakit ako nandito kung nasan man ako. Sana dumating yung panahon na maging matalino kami sa Arts at maibihagi namin yung dapat naming ibahagi sa nangangailangan. Nakrelate ako sa Teatro Porvenir, wala naman silang gustong gawin kundi mandula, magbigay arts at gumawa ng arts pero anong ginagawa sa kanila? Parsaan pa't nandyan ang Arts? Diba para mag educate, mag enetrtain at mag inform? Ano ba dapat ang iinform sa mga tao? Eh kami din ata nagiging impokrito dahil nakikita naman kung anong dapat sabihin sa mga tao, nakikita namin yung mali pero wala kaming magawa. Hindi. Meron kaming gagawin. Wag niyo sanang tanggalin yung natatanging bumubuhay samin. Ang sakit ng kamay ko. Naamoy ko pa yung ulam. Salamat sa wild mind writing na to, gumagaan ang loob ko. Sana mamaya maglabasan ang creative juices ko para sa Food and performance. May naisip kaming concept na political, pero napalitan, meron naman food and technology, napalitan ulit. Kaialngan kasi namin macompress ang idea ng lahat tao nag dedevising kasi kami. So collaborative. Kaya yan! Naniniwala akong makakagawa din kami. :)))

6 (na) komento:

  1. Ano 'yung problema tungkol sa budget? Gusto ko marinig, malay mo mayroon tayong pwedeng gawin para sa problemang 'yun. :)

    TumugonBurahin
  2. Opo pero di lang po iyon yung mga tao din pong nasa taas Ma'am..magulo po sila kaya kami din pong estudyante naguguluhan din po.

    TumugonBurahin
  3. sa dinami dinami ng sinabe mo di mo man lang nabanggit si edo. hahahahaha #issue

    TumugonBurahin
  4. Napukaw ang atensyon ko dun sa title ng blog mo, kesa sa blog mo mismo. Hahaha. Sige, mag-cover nga tayo ng kanta. Alam kong kating-kati na yang boses mo na maka-duet ako. Hahaha. Char! :D Love you, Kasha!

    TumugonBurahin
  5. Kzee, alam mo ba, naffeel ko talaga na gusto mong ilabas yung 'say' mo pero parang may pumipigil sayo. Ang lawak lawak kaya ng isip mo everytime na kausap kita.

    TumugonBurahin